Matagal ako di nagsulat at nararapat lang na ang aking comeback article ay idedecate ko sa aking Superhero.
Mula pagkabata hanggang ngayon marami akong inidolo na superhero. Nung supot pa ako at uhugin gusto ko maging Power Ranger. Astig kasi sila, may malaking laruan sila at kahit sirain nila ang buong siyudad ay di sila pinagagalitan. Hindi ko alam kung kasama na rin sa powers nila yung pagkumpuni ng mga nasirang building. Pero bago pa man yun, may superhero na ako na iniidolo.
Mama ko. Alam ko mayabang ako. Ma, naalala mo pa ba nung pinasali ako sa Toastmaster’s competition nun nakaraang taon? Yung topic ng extempo nun ay “My super hero is….” Siyempre bilang pinakamayabang na anak niyo ikaw agad naisip ko. Akalain mo ba naman, nauto ko yung mga judges at nanalo ako. Alam ko proud ka nun sakin, di lang kyut anak mo, sinungaling pa. Peace!
Ma, babalik na nga pala ako sa akademiya. Hay buhay. Parati ko naalala kuwento ni Auntie sakin na nung ngmamaster’s degree daw kayo pinupuntahan mo lang siya sa klasrum niya sabay silip at pag-uwi niyo gawa mo na ang assignment niya sa statistics. Sana naman bisitahin mo ko sa klasrum para pagbalik ko ng barracks gawa na din ang aking assignment.
Yung laruan namin nung bata kami scientific calculator. Binigyan mo pa kami tag-iisa pero di naman ako natuto eh. Samantalang mga kapatid ko nasaulo nila kung panu maglaro ng gamit yun, may kwento pa nga ang mathematical sentence nila eh sabay pagbinaliktad ang kalkyu may nababasa akong word. Ako naman pag binaliktad ko ang kalkyu ibig sabihin pinapatuyo ko kasi napasukan ng tubig.
Bakit kasi di mo ko pinadede. Tuloy di ko namana talino mo. Siguro ayaw ni Papa ng may kaagaw noh? Alam ko gusto mo ako pumuti kaya siguro nung bata ako sabaw ng sinaing pinadede mo sakin. Wa epek pa eh, puwet ng kaldero pa rin kulay ko.
Pero alam ko lab mo pa din ako. Siyempre, sa sobrang lab mo sakin pangalan ng mahal mong lalaki ang binigay mo sakin. Naging Junior tuloy ako. Pero bakit naman dinamay mo pa yung dalawang sumunod sakin? Buffy Jr. na nga ako may Buffy III at Buffy IV pa. Langya, kaya pag may tumatawag sa bahay parati ngkakalituhan kung sinong Buffy hinahanap nila, kung si I, II, III, o IV. Kahit sa prenster ngkakahalu-halo na friends namin kasi napagkakamalan na ako si JJ, o si JJ ako, o ako si JP, o si JP ako. anlabo!
Ma, andami kong naging pagkakamali at madami ako panghihinayang at kabiguan. Salamat sa suporta mo ha. Sana proud ka pa din sakin sa lagay ko na to. Bulbulin na ako wala pa rin ako napapatunayan saiyo.
Nung nasa edad kita, andami mo ng nagawa sa buhay nun. Madami ka na napatunayan. Nung mgkaedad tau niluwal mo na ako sa sinapupunan mo at inaalagaan na ang bratinellang anak mo na si ate. hihi.
Superwoman ka nga, milagro na nga ung pagpanganak mo sakin. Di ko maisip kung panu mo ako niluwal sa sobrang laki ng ulo ko. Mukha daw ako palito nun eh, payat na malaki ulo. Sorry kung masakit yung delivery mo sakin. Pero sulit naman eh, may instant peryahan sa bahay natin nung pinanganak mo ko.
Ngayon Ma, wala pa ako responsibilidad. At di ko pa nakakamtam ang pangarap mo sakin. Nung kaedad mo ko kung san-san ka nakakarating sa mga skolarship at kung anu anong studies, panu mo ginawa yun? Sana naman binigyan mo ko ng talino na yan di lang puto kakyutan.
Sabi ko di ba marami ako panghihinayang? Isa lang talaga ang habangbuhay na dadalhin ko. Kasi naman di ko pa alam ang linya na yun eh. Wala pa akong alam sa buhay noon. Di ko tuloy nasabi sayo. Oo na, di na ko mgdadrama. hmmp
Nga pala, may papakilala ako sa’yo. Sana siya na mapangasawa ko. Eh nahiya siya kaya next time na lang daw. Saka medyo takot din ako dumalaw na sa puntod mo kasi gabi na yun eh.
Ma, kung may internet man dyan sa langit sana nababasa mo to. I LOVE YOU. hindi ko nasabi saiyo yan nung bata pa ako kasi hindi ko pa alam yan eh. Mahigit 16 taon na nung huli kitang nakita pero sariwa pa sa isip ko mukha at alaala mo. Sana proud ka sakin.
Si JJ engineer na, mana sayo, si JP malapit na matapos sa Applied Physics niya, mana din sayo. Si Lenlen, ayun mgna-nurse, supling pa lang siya mumg nauna ka na sa piling ni papa Jesus pero kilala ka niya, parati ka namin kinukwento sa kanya. Gusto mag-nurse nun. Si ate, ayun nakikipagsapalaran na sa mga amoy shawarma. Lakas ng loob, mana din sayo. Ako? Hamak na sundalong hilaw. Sana kahit ganito proud ka pa rin sakin. Pero alam ko lab mo ko kasi pinaglihi mo ako sa lalaking mahal mo. Eto tuloy, kamukha ko siya. Sana kaw na lang kamukha ko para mabilis ako sagutin nung nililigawan ko. hihi
Nga pala heto yung speech ko nung extempo. Di ko na maalala lahat eh kasi extempo nga. Sana magustuhan mo.
….i have always asked my friends this question, “what makes a superhero?” is it courage? well…maybe because you need great courage to walk in broad daylight with your underpants inside out just like Superman.
what else? intelligence?! partly. enough intelligence to figure out that you need a mask when you go out saving the city with your underpants inside out, just like Batman and Robin.
powers!! right! spiderman shoots web and jumps from building to building to avoid being seen by ordinary perople because he also have his underpants inside out.
Kidding aside, those traits do make a superhero. but not REAL LIFE heroes. My real life hero is very ordinary but she did extraordinary things. she had enough courage to stand up and face each day with a smile so much so that i never see her cry. she made me laugh no matter how hard life was for us.
she had wisdom, more than intelligence. she was the light of our home. i learned a lot from her. she taught me the 4 D’s i need in life.
Dream
Desire
Dare
Do
Dream big. Desire for your dream. Dare to start. Do your dream.
lastly she possessed the geatest power known to man. she had LOVE. she possessed immeasureable love for us, her friends and for everyone. she would rather starve than see us hungry. she provided for us before she even entertained the idea of treating herself with a new blouse. she loved us so much.
labyu Ma!